Inutusan ni Pangulong Noynoy Aquino ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na tutukan ang mga lugar na patuloy na dumaranas ng pag-ulan.
Ito ay kahit pa isa na lamang Low Pressure Area ang dating bagyong si Onyok.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, mahigpit ang bilin ni PNoy na tiyakin sa pagkakataong ito ang zero casualty sa mga lugar na kasalukuyan pa ring inuulan.
Tiniyak ni Coloma na ang lahat ng hakbangin ng pamahalaan ay alinsunod sa nilalaman ng National Disaster Risk Reduction Law.
Una nang inatasan ng Pangulo ang DSWD na tiyakin na sapat ang suplay ng relief goods sa mga binagyong lugar.
Habang kumikilos naman ang DPWH upang agad na maayos ang mga nasirang imprastraktura lalo na sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Oriental Mindoro at Samar provinces.
By Rianne Briones