Muling tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng manok, baboy at gulay ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ito’y sa kabila ng masungit na panahon sa buong nagdaang linggo bunsod ng bagyong Nona at Onyok.
Ngunit, nagtaas ng P5 ang presyo ng baboy at manok sa ilang mga pamilihan partikular na sa Balintawak market.
Nasa P130 na ang kada kilo ng manok mula sa dating P125 sa kada kilo habang nasa P170 naman kada kilo ibinebenta ngayon ang baboy mula sa dating P165 sa kada kilo nito.
Samantala, sinabi naman ng DA na hindi dapat maaapektuhan ang suplay at presyo ng gulay sa Metro Manila dahil sa hindi naman naaapektuhan ng bagyo ang lalawigan ng Benguet.
By: Jaymark Dagala