Imbis na ayawan ang pagkaka-typecast sa kanyang ginanapang papel bilang si Heneral Antonio Luna, nais pa ng aktor na si John Arcilla na magtuluy-tuloy pa ang impluwensya nito sa publiko na maging makabayan.
Matagal nang nagti-tiyatro si Arcilla ngunit mas sumikat ang beteranong aktor dahil sa kanyang pagkakaganap sa mainiting ulong bayani.
Sa katunayan, kapag naka-costume siya bilang si Heneral Luna sa mga speaking engagement, ay tuwang-tuwang pinamumura sa kanya ng mga tao ang mga barumbadong opisyales ng gobyerno.
Ayon kay Arcilla, tuwang-tuwa rin naman siyang pagbigyan ang mga tao.
Magbabalik si Arcilla bilang si Luna sa susunod na pelikula tungkol sa bayaning si Gregorio del Pilar.
By: Avee Devierte