Wagi ang pambato ng Pilipinas na si Pia Alonzo Wurtzbach sa Miss Universe 2015 pageant.
Ginanap ang coronation night sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Lunes ng umaga sa Pilipinas kung saan naglaban-laban ang 79 na ibang kandidata para sa korona.
Bago ang anunsyo ay nagkamali ang host na si Steve Harvey at sinabing si Ms. Colombia ang bagong Miss Universe at si Wurtzbach ang 1st runner up.
Ngunit humingi ng paumanhin si Harvey at sinabing siya ay nagkamali, at ang tunay na nanalo ng titulo ay ang Ms. Philippines.
Kinoronahang Miss Universe 2nd runner up si Ms. USA, 1st runner up si Ms. Colombia at Miss Universe 2015 si Ms. Philippines.
Sa final Q and A ng patimpalak, tinanong si Pia kung bakit siya ang dapat na tanghaling Miss Universe 2015.
At ito ang naging sagot ng 26-year old Pinay beauty:
“To be Miss Universe is both an honor and a responsibility.
If I were to be Miss Universe, I will use my voice to influence the youth and I would raise awareness to certain issues like HIV awareness which is timely relevant to my country, the Philippines.
I want to show the universe that I’m confidently beautiful with a heart.”
Nagdiwang naman ang mga Pilipino sa buong mundo.
Ito na ang pangatlong panalo ng Pilipinas at tinapos nito ang 42-taong paghihintay ng bansa para sa korona.
Agad namang nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malacañang sa naging tagumpay ni Wurtzbach.
Photo Credit: @MissUniverse