Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na maghinay-hinay ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Kasabay ito ng pagtataas sa code white alert sa lahat ng pampublikong pagamutan sa bansa.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, ito ang panahon na lubhang naabuso ang ating katawan dahil sa sobrang pagkain, hindi pag-eehersisyo at kakulangan sa pahinga.
Maging mapagmatyag din sa ilang mga senyales ng stroke tulad ng sobrang pagpapawis at pagsakit ng batok.
“Napaka-importante na alagaan talaga ang sarili, hindi dahilan ang Kapaskuhan para abusuhin ang sarili.” Ani Lee Suy.
Vs paputok
Maagang sinimulan ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya kontra paputok ngayong taon.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, ito ay para mapababa ang bilang ng mga nabibiktima nito lalo na tuwing Bagong Taon.
“At the end of the day, nasa practice nila yan, kami talaga ay nanghihina kapag nakarinig kami ng mga batang naputukan, naputulan ng bahagi ng katawan o nabulag, worst ay kung ikamatay ng isang pasyente.” Dagdag ni Lee Suy.
Patuloy pa rin aniya ang pagsusulong ng DOH na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng paputok.
“On going po ang hearing nito and pareho pa rin ang stand naming and we support po ang total ban.” Pahayag ni Lee Suy.
By Rianne Briones | Ratsada Balita