Nanawagan ng pangkalahatang panalangin si Vice President Jejomar Binay para sa mga naging biktima ng pananalasa ng bagyong Nona at bagyong Onyok sa bansa.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ay higit pang dumami ang naitatala nilang mga nasawi, gayundin din ang iba pang naapektuhan.
Sa pagpunta ni Binay sa Northern Samar ngayong araw, sinabi niyang maraming pagsubok na ang pinagdaanan ng sambayanang Pilipino at marahil ay may mga darating pa aniya sa hinaharap.
Pero sa kabila aniya nito ay ang kapangyarihan ng panalangin ang magtatayo sa bawat Pinoy mula sa pagkakadapa bunsod ng mga nagdaang bagyo.
Partikular niyang tinukoy ang katatagan ng mga Pinoy nang manalasa ang bagyong Yolanda noong 2013 na napansin din aniya ng buong mundo.
By Allan Francisco