Dagsa na ang libu-libong mamimili sa Divisoria sa Maynila para mamili ng mga panregalo at paninda, tatlong araw bago ang Pasko.
Umagang-umaga pa lamang ay siksikan na ang mga mamimili na dahilan upang magsikip ang daloy ng mga sasakyan sa bahagi ng Claro M. Recto.
Maliban dito, maraming kalsada din ang okupado ng mga nagtitinda na nakakadagdag pa ng sikip sa Divisoria.
Samantala, muli namang nagpaalala si MPD Station 11 Commander Romeo Macapas sa mga mamimili sa Divisoria na mag-ingat sa mga naglipanang mandurukot at masasamng loob.
By Ralph Obina | Aya Yupangco (Patrol 5)