Pasok sa top three ng 2015 Male Athlete of the Year Award ng The Associated Press ang triple crown winner na si American Pharoah, US Open Champion Jordan Speith at NBA MVP Stephen Curry.
Kabilang sa mga achievement ni Pharoah, ay ang Kentucky Derby, Preakness at Belmont Stakes habang bago tumuntong sa 40-anyos ay halos nasungkit na nito ang malalaking torneo sa kanyang isport.
Ang golfer namang si Spieth nakapanalo na ng 4 na major championship ngayong taon lamang bukod pa sa record nitong pinakabatang nakapanalo sa torneo ng masters.
Ang pambato naman ng Golden State Warriors na si Curry, napukaw ang puso ng bawat basketball fan sa buong mundo nang masungkit ng kanilang koponan ang kampeonato makalipas ang 40 taon sa kanyang pangunguna.
Ang tatanghaling male athlete of the year para sa taong 2015 ay iaanunsyo sa darating na linggo, oras dito sa Pilipinas.
By Ralph Obina