Nasa isang milyong kabataan ang di nakakapag-aral sa Africa dahil sa patuloy na paghahasik ng karahasan ng Boko Haram.
Ayon sa UNICEF, nasa 2,000 mga paaralan ang napilitang magsara sa Nigeria, Cameroon, Chad at Niger dahil sa pag-atake, panloloob at panununog na ginagawa ng Boko Haram.
Dahil dito, nangangamba ang UNICEF na lalo pang tumaas ang radicalism sa Nigeria dahil sa kawalang edukasyon ng mga kabataan.
Una rito, tinaningan ni Nigerian President Muhammadu Buhari ang militar na wakasan ang pamamayagpag ng Boko Haram hanggang katapusan ng buwang ito.
By Ralph Obina