Posibleng mabili na sa mga botika simula sa susunod na taon ang bakuna kontra sa dengue.
Ang Pilipinas ang ikalawang bansa na magbebenta ng anti dengue vaccine kasunod ng Mexico.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, bago matapos ang taon ay ilalabas na nila ang pag-apruba ng FDA o Food and Drug Administration para sa pagbenta ng bakuna kontra dengue.
Mula lamang Enero hanggang Disyembre ay nakapagtala ng mahigit sa 100,000 kaso ng dengue ang Department of Health, 300 dito ang nauwi sa kamatayan.
Nito lamang Disyembre, inaprubahan na sa Mexico ang pagbenta ng dengvaxia, isang anti dengue vaccine na gawa ng Sanofi, isang French pharmaceutical company.
By Len Aguirre