Sinuyod ng PNP-Civil Security Group at Firearms and Explosives Office ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Kabilang sa mga nakumpiska ay mga pla-pla special, pla-pla original, great bawang, goodbye Philippines at iba pa.
Ayon kay PNP-FEO Director, Chief Supt. Ferdinand Sarona, one third lamang na pulbura sa isang kutsarita ang pinapayagan ng batas na ibenta sa publiko.
Ilan din sa mga sinita ang mga tindahang naglalako ng mga paputok na walang Tagalog o English label at license number.
By Drew Nacino | Jonathan Andal