Ilang supermarket ang nasita ng Department of Trade and Industry o DTI dahil sa umano’y samu’t saring paglabag.
Kasunod ito ng isinagawang paglilibot ng mga operatiba ng DTI sa mga supermarket kahapon.
Layon nito na matiyak na walang nagsasamantalang negosyante sa mga noche buena items.
Ngunit, sinasabing napuna ng DTI sa isang grocery na kanilang inikot na kulang ang suplay ng lokal na hamon.
Mas lamang ang ibinebentang imported na hamon ng hindi pinangalanang pamilihan na di hamak na mas mahal kumpara sa mas murang hamon.
Habang ang ilang supermarket naman, walang price tag sa kanilang mga ibinebentang produkto na mahigpit na ipinagbabawal ng price act.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DTI Undersecretary Victorio Dimagiba na tinutugunan na ng ilang supermarket ang mga naturang problema.
“Pero sabi sa akin kagabi na na-solve na nila, pangalawa yung isa pong supermarket naman yung kanyang isang uri ng lokal na keso de bola, hindi nakalagay yung price tag, pinalagyan na namin, sabi nahulog lang daw sabi nila, yun po ang guide ng consumer eh.” Pahayag ni Dimagiba.
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita