Nag-courtesy call ang bagong Ambassador ng Iran sa Pilipinas na si Ambassador Mohammad Tanhaei kay Department of Foreign Affairs o DFA Secretary Albert del Rosario.
Sa nasabing courtesy call, kinongratulate ni del Rosario si Tanhaei dahil sa aniya’y matagumpay na negosaysyon nito sa gobyerno at sa pagsang-ayon ng lehislatura sa kanyang joint comprehensive plan of action na layong buksan ang panibagong kabanata ng Iran sa relasyon nito hindi lamang sa Pilipinas kundi sa international community.
Tinakay din ng dalawang opisyal ang malawak na posibilidad ng pagtutulungan sa iba’t ibang sektor gaya ng science and technology, agriculture, investment, manufacturing at iba pa.
Muli ring binigyang diin ng dalawang bansa ang relasyon sa isa’t isa sa kabila ng kanilang mga hamong hinarap, kasama na diyan ang milestone year noong nakaraang taon kung saan ginunita nila ang kanilang ika-50 anibersaryo ng bilateral relations.
Nagpasalamat naman si Tanhaei sa mainit na pagtanggap sa kanya ng bansa, at nagpahayag ng sigla sa pagiging ambassador sa Pilipinas.
By Allan Francisco