Nagluluksa ngayon ang industriya ng pamamahayag sa pagpanaw ni Ginang Letty Jimenez-Magsanoc.
Si Magsanoc ang editor in chief ng pahayagang The Philippine Daily Inquirer at itinuturing na bedrock o pundasyon ng journalism sa bansa.
Pumanaw si Magsanoc sa St. Luke’s Medical Center nitong bisperas ng Pasko ngunit hindi inilathala ang sanhi ng kanyang pagkasawi.
Una rito, isa si LJM sa mga founder ng Inquirer na tumanggap ng samu’t saring mga parangal sa loob at labas ng bansa sa larangan ng pamamahayag.
By Jaymark Dagala