Magtutuos ngayong hapon, araw ng Pasko ang koponan ng Ginebra Gin Kings at Star Hotshots.
Ito ay para magkaalaman kung sino ang mananatili sa kumperensya o kung sino ang tuluyang malalaglag.
Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, tiyak aniyang magiging pahirapan ang labang ito dahil sa marami aniyang distraction lalo pa’t araw ngayon ng Kapaskuhan.
Gayunman, tiniyak ni Greg Slaughter na walang isyu sa kanila ang paglalaro ng Pasko basta’t ang mahalaga aniya ay manalo ang Ginebra.
Sa oras na manalo ang Ginebra ay tanggal na sa laban ang Hotshots ngunit isang laban pa ang kailangan maipanalo ng Star sa oras na manalo ito mamaya kontra sa Barangay Ginebra.
By Ralph Obina