Mahigit 40 milyong manggagawang Pinoy ang hindi umano masaya sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.
Ito, ayon kay Partido Manggagawa Partylist Spokesman Wilson Fortaleza, ay dahil hindi umano sapat ang kanilang suweldo na pambili ng kanilang mga pangangailangan.
Giit ni Fortaleza, ang minimum wage sa Metro Manila na mahigit P12,000 at gayundin ang mas mababang sahod sa ibang lugar ay hindi makasasapat sa mataas na cost of living sa Pilipinas.
Ayon kay Fortaleza, matagal nang sakit ng ulo sa sektor ng paggawa ang mababang pasahod na hindi naman umano tinutugunan ng pamahalaang Aquino.
By Jelbert Perdez