Nakabalik na si Dating Pangulo ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC.
ito’y matapos ang kanyang 3 araw na Christmas furlough sa kanyang tahanan sa La Vista subdivision sa Quezon City.
Matatandaang pinayagan ng korte Suprema si GMA na magpasko kasama ang kanyang pamilya mula 8:00 ng umaga noong Disyembre 23 hanggang 5:00 hapon ng Disyembre 26.
Samantala, muling lalabas ng VMCC ang dating Pangulo sa Disyembre 30 dahil pinayagan itong magdiwang ng Bagong tAon sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City hanggang 5:00 ng Enero 2.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y maanomalyang pag-gastos sa P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
By: Meann Tanbio