Ikinukunsidera ng Department of Health na gamitin ang kanilang savings mula sa sin tax para ipambili ng anti-dengue vaccines na inaprubahan ng Food and Drug Administration.
Sinabi ni Health Secretary Janet Garin na plano nilang bumili ng bagong tuklas na anti-dengue Vaccine na Dengvaxia.
Ang nabanggit na vaccine aniya ay magiging available na sa susunod na taon sa pamamagitan ng single at multiple doses.
Ang Pilipinas , sa pamamagitan ng FDA ay pangalawang bansa na nag-apruba sa anti-dengue vaccine para mapigilan ang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok.
By: Aileen Taliping (patrol 23)