Pinayuhan ng Malacanang ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, patuloy silang nananawagan sa publiko na makiisa sa pag-iwas sa paggamit ng paputok at salubungin ng ligtas at malayo sa kapahamakan ang 2016.
Muli aniyang pinapaalalahanan ang mga kabataan na makipagtulungan sa kampanyang tetano: nakamamatay, huwag pasaway; sa paputok may goodbye!
Sinabi ni Coloma na nagtutulungan ang Department Of health sa Department of Interior and Local Government at Philippine National Police upang mapigilan ang pagbebenta ng illegal na paputok at mabawasan ang maaaring maging biktima.
Mahalaga ding ipamulat ng mga magulang ang panganib na dulot ng paputok sa buhay ng kanilang mga anak.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)