Mahigit sa 100,000 katao ang nagsilikas dahil sa pagbaha sa Paraguay, Uruguay, Brazil at Argentina bunsod ng halos walang tigil na mga pag-ulan.
Ayon sa municipal emergencies, pinakamatinding tinamaan ng baha ang paraguay kung saan siyam na pung libo katao ang inilikas mula sa Asuncion.
Dahil dito, idineklara na ng paraguayan government ang State of Emergency sa Asuncion at 7 iba pang lugar sa nasabing bansa upang makapaglaan ng pondo sa mga apektadong residente.
By: Avee Devierte