Patay ang 14 katao habang maraming iba pa ang nasugatan sa pag-atake ng Boko haram sa Northeastern Nigeria.
Ayon sa ulat, 10:00 ng gabi nitong Pasko nang salakayin ng mga jihadist ang Kimba Village sa Borno state saka sinunog ang mga kabahayan at walang habas na pinagbabaril ang mga residente.
Dahil dito, nagsitakas ang mga residente patungo sa mga kalapit na village kung saan inilatag ang isang refugee camp.
Ang pag-atake ay naganap ilang araw bago ang itinakdang deadline ni Nigerian President Muhammadu Buhari para lipulin ang naturang grupo.
By: Jelbert Perdez