Posibleng maglibot sa buong West Philippine Sea ang mga kabataang naglayag para iprotesta ang reclamation ng China sa mga teritoryong ina angkin rin ng Pilipinas.
Ayon kay Col Restituto Padilla, Spokesman ng Armed Forces of the Philppines, ito ang ipinagbigay alam sa kanila ng grupo nang makipag ugnayan ang mga ito sa kanila.
Sinabi ni Padilla na sinikap nilang kumbinsihin ang grupo na pinangungunahan ni dating Marine Captain Nicanor Faeldon na huwag ituloy ang plano dahil malalaki ang alon sa mga panahong ito.
Nakarating na anya sa munisipalidad ng pagasa ang mga kabataan subalit napag alaman nila na hindi nanatili lamang sila sa loob ng barko.
By: Len Aguirre