Nagpasaklolo na ang Department of Labor and Employment sa International Labor Organization para matulungan ang libu – libong mga manggagawa na naapektuhan ng bagyong Nona.
Kasunod ito ng pagkaubos ng emergency employment fund ng ahensya para sa taong 2015.
Ayon kay Sec. Rosalinda Baldoz, sa tulong ng ILO ay masisigurong mabibigyan ng tulong ang mga manggagawa partikular ang mga magsasaka para muling makapagsimula.
Halos 70,000 mga magsasaka ang inaasahang matutulungan ng ahensya.
By: Rianne Briones