Namimiligrong mabitay sa Saudi Arabia sa mga susunod na araw ang Overseas Filipino Worker na si Joselito Zapanta kung hindi mabubuo ang blood money na hinihingi ng pamilya ng kanyang napatay sa Saudi Arabia.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, Spokesman ng DFA, anumang araw sa linggong ito ang pagtatapos ng dalawang linggong deadline na ibinigay ng pamilya ng biktima para maibigay ang kakulangan sa hinihingi nilang blood money.
P25 Million pa anya ang kakulangan sa nauna nang P23 Million naibigay nila sa pamilya ng Sudanese national na napatay ni Zapanta.
“Nagbigay na ng pahayag ang Saudi Governmenmt na kapag hindi nakumpleto ang blood money, tuloy na ang pagbitay. Pero ang practice sa Saudi, wala silang binibigay na exact na oras sa execution. Puspusan na ang ating effort para makapag raise ng balance na P25 Million,” paliwanag ni Zapanta.
Matatandaan na ilang beses na ring naipagpaliban ang pagbitay kay Zapanta dahil sa apela ng mga opisyal ng pamahalaan sa hari ng Saudi.
By: Len Aguirre I Ratsada Balita