Nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamataas na bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa buong bansa.
Batay ito sa tala ng Department of Health kung saan, piccolo ang pangunahing sanhi ng pagkaka-aksidente ng mga bata.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DOH, 77 porsyento ng mga naitatalang kaso ang nagmula sa piccolo.
Gayunman, mababa pa rin aniya ito ng 27 porsyento kung ikukumpara sa mga naitala sa parehong panahon nuong isang taon.
Sa kasalukuyan, nasa 111 na ang bilang ng mga nasusugatan dahil sa paputok at inaasahang tataas pa ito hanggang sa magpalit ang taon.
By: Jaymark Dagala