Umabot sa 110 mamamahayag ang napaslang sa buong mundo ngayong taon.
Ito, ayon sa ulat ng reporters without borders o RSF, kasabay ng babala na maraming napapatay sa kanilang tanggapan sa mga itinuturing na peaceful o payapang bansa.
Ayon sa grupo, 67 journalists ang nasawi habang naka-duty habang apat na pu’t tatlo naman ang napaslang sa hindi pa malinaw na kadahilanan.
Giit ng Reporters Without Borders o RSF, hindi napoprotektahan ang mga mamamahayag laban sa mga karahasan.
Dahil dito, nananawagan ang grupo sa united nations o un na umaksiyon at gumawa ng inisyatibo para sa kapakanan ng mga journalists sa buong mundo.
By: Jelbert Perdez