Muling binalaan ng Philippine National Police o PNP ang publiko sa pagbili ng mga paputok lalo ang mga illegal firecracker, isa’t kalahating araw bago ang bagong taon.
Sa isinagawang inspeksyon ng PNP Civil Service Group sa Bocaue, Bulacan ilang ipinagbabawal na paputok gaya ng Hello Colombia, Goodbye Bading at Goodbye Philippines ang kinumpiska.
Ayon kay Supt. Genelle Galmatico ng PNP Civil Service Group, mas malaki ang tatlong nabanggit na paputok sa pangkaraniwang firecracker kaya’t maraming pulbura ang iniligay sa mga ito.
Maihahalintulad na rin anya ang tatlo sa bomba o granada kaya’t peligroso ang mga ito sa publiko lalo sa pagsalubong sa bagong taon.
Ang Hello Colombia ay ipinangalan kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez matapos ang maling anunsyo ng host na si Steve Harvey na ang latina beauty ang nagwagi subalit kinalauna’y si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach ang tunay na nanalo.
By: Drew Nacino