Umaapela kay Pangulo Noynoy Aquino ang pamilya ng binitay na Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia na si Joselito Zapanta na maiuwi ang bangkay nito.
Ayon kay ginang Mona Zapanta, ina ni Joselito, kung hindi man ma-i-uwi ang bangkay ng kanyang anak ay nais nilang sila mismo ang magtungo sa Saudi Arabia.
“Wala pa ngayong balita, kaya nga ako nanawagan sa ating mahal na presidente sana makatulong sya sa amin para maiuwi ang bangkay ng anak ko,” panawagan ni Zapanta.
Aminado naman si Aling Mona na nabigla sila sa kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs na binitay kahapon ang kanyang anak.
Kung batid na anya nila ang sasapitin ni Joselito ay hindi na sila nanawagan noon sa gobyerno ng tulong.
“Sana ngayong buwan na ito, December, sana sinabi na nila sa amin at hindi na nagpasya na manawagan pa kami,” paliwanag ni Zapanta.
By: Drew Nacino I Karambola