Posibleng i-anunsyo na sa susunod na dalawang araw ng kampo ni 8 Division World Champion Manny Pacquiao ang desisyon nito hinggil sa ikatlo niyang laban kay Timothy Bradley.
Ito ang inihayag ni Top Rank CEO Bob Arum, promoter ni Pacman matapos kumpirmahin ni Michael Koncz na adviser naman ng people’s champ na nagka-usap na sila ng american boxer.
Hinihintay na anya nila ang opisyal na pahayag ni Koncz na maaaring ilabas bukas o sa mismong unang araw ng bagong taon.
Kabilang si Bradley sa mga pinagpipilian ni Sarangani Rep. Pacquiao para sa kanyang April 10 farewell fight.
By: Drew Nacino