Kabilang ang Shiite Cleric na si Sheikh Nimr Al-Nimr sa mga nabitay sa Saudi Arabia.
47 nahatulan ng terorismo ang binitay kahapon.
Bunsod nito, kinuyog ng mga galit na Tagasuporta ng nasabing Cleric ang Embahada sa Tehran.
Ayon sa mga otoridad, nakapasok ang ilang mga demonstrador sa loob ng embahada at sinunog ang ilang bahagi nito.
Naging lider si Nimir sa mga malawakang kilos protesta noong 2011 sa Sunni-ruled Kingdom kung saan marami ang nagrereklamo tungkol sa marginalization.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing pangyayari.
By: Avee Devierte