Umakyat na sa 41 ang kabuuang bilang ng mga natamaan ng ligaw na bala o stray bullet.
Batay ito sa tala ng Philippine National Police o PNP kung saan pito sa mga biktima ay pawang mga bata.
Ang pinakabata ay 3 taong gulang na babae mula sa Zamboanga del Norte.
Sa kabila nito, umaasa ang Tagapagsalita ng PNP na si Chief Superintendent Wilben Mayor na wala nang maidadagdag pang biktima ng stray bullet hanggang sa Martes, ika-5 ng Enero.
Sa Martes kasi magtatapos ang implementasyon ng iwas paputok – disgrasya campaign ng ahensiya.
By: Allan Francisco