Naglabas ng video ang militanteng grupo mula somalia na al-Shabab gamit ang clip ng kumakandidato sa pagkapangulo ng estados unidos na si Donald Trump.
Kaanib ng teroristang grupo na Al Qaeda ang Al-Shabab na ngayo’y nanghihikayat ng mga bagong kasapi sa pamamagitan ng nasabing video.
Sa naturang clip ni Trump sa video, tahasan nitong sinabing dapat ipagbawal ang mga Muslim sa Estados Unidos.
Samantala, aminado ang administrayon ni US President Barack Obama na posibleng gamitin ng mga teroristang grupo ang ideyang maaari ngang laban ang amerika sa mga Muslim.
By: Avee Devierte