Nakatakdang ipatupad ng Commission on Elections (COMELEC) ang postal voting para sa mahigit 70,000 Overseas Filipino Workers na nais bumoto sa darating na eleksyon.
Ayon sa COMELEC, pumapalo sa 75,363 botante ang uubrang bumoto sa 26 na embahada o post sa mga tukoy na bansa.
Kabilang dito ang Lisbon sa European Region, Bangkok, Brunei, Chongqing, Dhaka, Dili, Guangzou, Islamabad, Jakarta, Macau, Manado, Meco Kaohsiung, Meco Taichung, Meco Taipei, New Delhi, Shanghai, Phnom Penh, Shanghai, Vientiane at Xiamen sa Asia Pacific Region at Abuja, Amman, Cairo, Muscat, Nairobi, Pretoria at Tehran sa Middle East at African region.
Samantala, may 1.1 million voters para sa overseas absentee voting mula sa 30 posts partikular sa North at Latin America, Europe, Asia Pacific at Middle East ang gagamiti ng automated election system sa pamamagitan ng VCM o Voter Counting Machines.
Ang OAV voters ay boboto lamang para sa posisyon ng presidente, bise presidente, senador at party list groups.
Magsisimula ang botohan sa April 9 hanggang May 9, 2016.
By Judith Larino