Iginiit ng Malacañang na hindi sinibak o pinatalsik sa puwesto si Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Alfonso Tan Jr.
Kasunod naman ito ng paghirang kay Atty. Roberto Cabrera para pamunuan ang LTO na epektibo ngayong araw.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, batay sa pahayag ni Transportation Secretary Jun Abaya, nagbitiw si Tan noon pang November 2015 dahil sa usaping pampamilya.
Hiniling aniya ni Abaya na huwag munang umalis si Tan hangga’t hindi nakakakita si Pangulong Aquino ng magiging kapalit nito pero itinuloy pa rin nito ang pagbibitiw sa puwesto.
Sinabi naman ni Cabrera na sisikapin niyang maaayos ang problema sa LTO bago matapos ang termino ng Pangulo sa darating Hunyo.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)