Kabilang umano ang 3 Pinoy sa 44 katao na sinasabing suspek sa terorismo sa Saudi Arabia ang naaresto noong nakaraang buwan.
Base sa online news sa Saudi Arabia, bukod sa tatlong Pinoy, naaresto rin mula noong December 23 hanggang December 31 ang limang Syrians, apat na Yemenis, isang Sudanese at 31 Saudi Arabian nationals.
Wala pang naibibigay na karagdagang impormasyon kaugnay ng pagkakakilanlan ng mga naarestong indibidwal partikular tungkol sa mga umano’y Pinoy.
By Meann Tanbio | Allan Francisco