Nag-negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV) ang isang Overseas Filipino Worker o OFW mula sa Saudi Arabia.
Una nang isinasailalim sa quarantine ang OFW sa Western Visayas Medical Center dahil sa hinalang dinapuan ito ng MERS-CoV.
Gayunman, lumabas umano sa medical tests na ang 59 na taong gulang na construction supervisor ay negatibo sa naturang sakit.
Matatandaang dumating ang nasabing OFW sa Capiz noong Disyembre 30 at isinugod sa ospital dahil sa lagnat at ubo.
By Jelbert Perdez