Nakatakdang i-recall o pabalikin ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 800 pulis na nagsisilbing security detail ng mga pulitikong kakandidato sa halalan.
Alinsunod ito sa ipinalabas na kautusan ng PNP Police Security Protection Group kaugnay sa nalalapit na halalan sa Mayo ng taong ito.
Ayon kay C/Supt. Alfred Corpuz, direktor ng PNP PSPG, may hanggang Enero 9 pa ang mga police security detail para manatili sa kanilang binabantayang pulitiko.
Total recall din aniya ang kanilang gagawin sa mga security detail na ibinigay sa ilan pang pribadong indibiduwal batay sa isinasaad ng COMELEC resolution.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal