Nahaharap sa kasong malversation sa Sandiganbayan si dating Misamis Oriental Governor Antonio Calingin dahil sa umano’y hindi ma-liquidate na pondo ng pamahalaang panlalawigan.
Sa desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, sinasabing inamin ni Calingin na siya ang lumagda sa cash advance para sa Misamis Oriental Telephone System o MISORTEL na nagkakahalaga ng P500,000 piso.
Dahil walang mailabas na proof of liquidation si Calingin ay ipinagharap ito ng kaso ng Ombudsman sa Anti-Graft Court at gayundin ang isang opisyal ng MISORTEL.
Matatandaang na-convict na rin ng Sandiganbayan noong 2014 sa isang hiwalay na kaso ang naturang dating gobernador.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)