Maghahain ng motion for reconsideration ang Land Transportation Office (LTO) sa Commission on Audit o (COA) upang mai-release ang mga plaka na nakatengga sa mga pantalan.
Ayon kay LTO Chief Roberto Cabrera, mayroon itong backlog na tinatayang 3 milyong license plates matapos i-disallow o pigilan ng COA ang pondo para rito.
Umaasa rin si Cabrera na makukumbinsi nito ang COA na ang pagbili ng yellow plates ng gobyerno sa isang Dutch company ay legal.
Sakaling aprubahan ito ng COA, target ng LTO na mai-release ang lahat ng mga nakabinbing plaka bago matapos ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino sa darating na Hunyo.
Nilinaw naman ni Cabrera na ang mga bagong plaka na nagkakahalaga ng P450 ay naaayon sa international standards.
Sa ngayon, sinabi ng LTO Chief na hindi pa maaaring magpataw ng parusa ang ahensya sa mga motorista na luma o walang plaka ang mga sasakyan.
By Jelbert Perdez