Sabik na bumisitang muli sa Pilipinas si NBA Most Valuable Player Stephen Curry.
Sa isang video message, sinabi ni Curry na nami-miss na niya ang kanyang mga Pinoy fans at gusto na ulit niyang bumalik sa bansa.
Gayunman, hindi naman umano puwedeng bumalik agad-agad si Curry sa bansa na huli niyang binisita noong Setyembre.
Nakatuon pa, aniya, siya sa laro ng kanyang koponang Golden State Warriors na sa ngayon ay may 33-2 win-loss record.
By Avee Devierte