Handa na ang lungsod ng Maynila para sa pagdagsa ng milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno sa pista ng Quiapo, bukas.
Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, walang pasok ang karamihan sa mga deboto sa paaralan at trabaho sa labas ng Maynila.
Posible anyang tumagal ang traslacion prusisyon lalo’t orihinal na ruta ang daraanan nito.
“Buong hapon sapagkat inaapatan po natin yung preparasyon ng traslacion, napabalita nga po yung paghahanda na ginawa ng Maynila noong isang araw doon sa pulong na ginanap including the church, at kung ano po ang ginawa natin last year ay pipilitin po nating pagbutihin this year.” Pahayag ni Moreno.
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita