Binalaan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang mga kandidatong idinaraan sa social media ang paninira sa kanilang mga kalaban.
Inihayag ito ng PNP dahil sa nalalapit na election campaign period kung saan malaki ang posibilidad na idaan ng kandidato ang paninira sa kanyang kapwa kandidato sa facebook, instagram, twitter, at iba pang social media.
Ayon kay Superintendent Jay Guillermo, tagapagsalita ng PNP Anti-Cybercrime Group, maaaring umaksyon ang kanilang tanggapan upang imbestigahan ang paninira sa isang kandidato, anuman ang posisyon na tinatakbuhan nito.
Kabilang, aniya, sa paninira ay kung gawan ng meme o yung mga litratong ginagawang katawa-tawa na makasisira sa pagkatao at kredibilidad ng isang tumatakbo.
Dagdag pa ni Guillermo, mas mabigat kaysa parusa sa libelo ang parusa sa cybercrime.
By Avee Devierte | Jonathan Andal