Sisimulan na ng Philippine National Police o PNP ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa buong bansa.
Ito’y bunsod ng pagpasok ng election period para sa May 2016 national and local elections, bukas, Enero 10.
Dahil dito, asahan na ang kaliwa’t kanang checkpoints sa kalakhang Maynila at iba’t ibang panig ng bansa.
Sinasabing higit ang pagtutok ng Pambansang Pulisya sa pagtukoy sa mga miyembro nilang partisan o iyong mga nakadikit sa mga pulitiko.
Katunayan, ipinag-utos na ng pamunuan ng PNP ang pag-recall sa lahat ng mga security escorts kung saan dapat nakabalik na sa kampo ang mga ito sa Lunes, Enero 11.
By Jelbert Perdez