Mariing kinondena ni senatorial candidate Princess Jacel Kiram ang umiiral na kultura ng extremism hindi lamang sa bansa kundi sa mundo.
Aniya, kadalasan kasing naiuugnay sa relihiyon ang maling gawain ng mga kapatid na Muslim na karaniwang sumasapi o nakikisimpatiya sa mga extrimist group tulad ng ISIS.
Binigyang diin ni Kiram na ang gawaing ito aniya ay hindi naaayon sa turo ng Q’ur-an kundi ginagawa nilang hanap-buhay.
“Papaano niyo po ito mae-expect na makakatulong sila para matamasa natin ang kapayapaan specifically in Mindanao, kung sila ang facilitator, kung sila mismo sa kanilang sariling administrasyon ay walang kapayapaan at walang hustisya.” Pahayag ni Kiram.
By Jaymark Dagala | Sapol Ni Jarius Bondoc