Nagbigay-pugay ang bansang France sa mga biktima ng pag-atake ng Islamist militant noong isang taon sa pamamagitan ng isang tahimik na seremonya kahapon, isang taon matapos ang Million People March sa Paris para iprotesta ang naganap na pagpatay sa satirical magazine na Charlie Hebdo.
Pinangunahan ni President Francois Hollande at Paris Mayor Anne Hidalgo ang pag-aalay ng bulaklak sa Statue of Marianne, na sumisimbolo sa French Republic, sa Central Paris.
Ang estatwa ay naging bantayog na ng 17 biktima ng January 2015 attack sa Charlie Hebdo at sa isang Jewish Deli, kasama ang 130 kataong binaril at napatay ng Islamist militants noong November 13 sa isang concert, bars at restaurants sa Paris.
By Mariboy Ysibido