Umakyat na sa 7,000 ang naitalang kaso ng HIV-AIDS sa Pilipinas mula Enero hanggang Nobyembre ng 2015.
Batay sa November data ng Philippine HIV and AIDS Registry, mayroong nadagdag na 627 bagong kaso ng HIV para lamang sa buwan ng Nobyembre.
Siyamnapu’t anim (96) na porsyento ng mga mayroong HIV-AIDS ay mga lalake at halos kalahati nito ay nasa edad 25 hanggang 34 na taong gulang.
May naitala ring 30 porsyento ng kabuuang kaso ng HIV-AIDS sa bansa ang may edad 15 hanggang 24 anyos.
Nasa 174 rin ang naitalang nasawi sa HIV-AIDS noong buwan ng Nobyembre 2015.
By Len Aguirre