Binalaan ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang mga campaign donors ng mga kandidato sa darating na May 2016 elections na maaaring makasuhan ang mga ito ng tax evasion.
Ito, ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, ay sa sandaling mabigo itong maipaliwanag kung saan nanggagaling ang pondong ibinigay niya sa isang kandidato o kung hindi tumutugma ang kayamanan nito sa kanyang donation.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Henares na dapat mapatunayan ng isang donor na may kakayahan itong mag-donate o gumasta ng ganoon kalaking halaga ng pera.
Inihalimbawa din ni Henares ang kaso ng isang James Tiu na kapatid ng negosyanteng si Antonio Tiu.
“Yung younger brother, he donated 10 million and the wife also donated 10 million but their income didin’t justify the amount of the donation, nag-donate siya ng 10 million eh yung income niya is parang regular wage earner lang siya.” Pahayag ni Henares.
By Jelbert Perdez | Karambola