Ikinukonsidera ng Department of Health (DOH) ang pagpapalawak sa anti-dengue immunization program.
Ito, ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, ay sa pamamagitan ng PhilHealth coverage sa hinaharap.
Magugunitang maraming mamamayan ang umangal dahil 3 rehiyon lamang sa bansa ang pagkakalooban ng libreng bakuna laban sa dengue.
Giit naman ni Lee Suy, kailangan munang pag-aralang mabuti ang pangkalahatang resulta ng pilot immunization bago palalawakin ang naturang programa.
By Jelbert Perdez