Nagkaayos na sina Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon.
Ayon kay Commissioner Arthur Lim, normal lamang sa isang collegial body na hindi magkasundo sa ilang punto subalit kailangan aniya nilang magpatuloy at gawin ang tungkulin nila batay sa batas.
Tiniyak ni Lim na on track sila sa paghahanda sa eleksyon sa Mayo 9 at hindi aniya nakaapekto sa kanilang trabaho ang natuldukan na aniyang sigalot nina Guanzon at Bautista.
By Judith Larino