Ibinasura ng Malacañang ang kagustuhan ni Senador Juan Ponce Enrile na humarap sa pagbubukas muli ng imbestigasyon ng Mamasapano encounter.
Ayon kay Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, may pormal na prosesong nakatakda sa konstitusyon at dapat malamang ang Pangulo ay pinuno ng isang co-equal branch ng senado.
Binigyang diin ni Coloma na simula nang mangyari ang insidente, nakita naman aniya ang pagiging bukas at hayag ng gobyerno sa pangunguna mismo ng Pangulong Aquino sa pagtugon sa anumang katanungan at sa pagbibigay ng mga kinauukulang paliwanag.
Marami na rin aniyang nagawa at nakumpletong imbestigasyon kaugnay sa isyu tulad ng PNP Board of Inquiry, House Inquiry, Senado at Commission on Human Rights bukod pa sa imbestigasyon ng DOJ, NBI at Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Coloma na tiwala ang Malacañang na maiuukol ng mga mambabatas sa makatuwiran at makabuluhang talakayan ang reinvestigation.
By Judith Larino